0
Posibleng ito na umano ang ginagamit na modus operandi ng mga drug dealer o sindikato sa droga sa pagpapakalat sa kanilang ibinebentang drugs matapos nga ang matinding operasyon na isinasagawa ngayon ng pulisya. Facebook.com/RonaldBatoDelaRosa

Ibinunyag kahapon ni PNP chief Director General Ro­nald dela Rosa na talamak na umano ang bentahan ng droga sa on-line o internet sa mga key cities sa bansa partikular na sa Metro Manila.


Posibleng ito na umano ang ginagamit na modus operandi ng mga drug dealer o sindikato sa droga sa pagpapakalat sa kanilang ibinebentang drugs matapos nga ang matinding operasyon na isinasagawa ngayon ng pulisya.

 Dahil dito, mahigpit niyang pinatututukan sa PNP-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG)  ang nasabing panibagong modus operandi ng mga drug traffickers.

Base sa report,  gumagamit ng code ang mga drug traffickers sa pag-aalok ng droga sa internet na kinakagat naman ng mga parukyano at mula rito ay ikakasa na ang magpapagkasunduang lugar kung saan ide-deliver ang droga .


Samantalang ang mga parukyano ay ipapabatid rin sa kanilang mga kasama­hang drug users ang nasabing modus operandi hanggang sa kumalat ito at maging talamak .

Ayon kay dela Rosa, 100% ang pagpupursige na kaniyang ibibigay para masugpo ang problema ng pamahalaan kontra droga at kriminalidad sa loob ng 3 hanggang anim na buwan na ipinangako ni Presidente Rodrigo Duterte.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:


Nanawagan rin ang PNP Chief sa kooperasyon ng ma­mamayan para mawakasan ang isyu ng droga sa bansa .

Sa tala ng PNP na inilabas nitong linggo nasa 103 na ang napapatay na drug pusher si­mula noong Mayo 10 matapos ang halalan hanggang Hunyo 15 ng taon. Nasa  29 naman ang napapaslang pagkaraang manungkulan na si Duterte umpisa nitong Hulyo 1.

Samantalang sa nasabing bilang ay hindi pa kabilang ang mga napatay na drug pushers sa serye ng anti-drug operation ng mga awtoridad sa iba’t-ibang panig ng bansa.


Nabatid pa na sa kasalukuyan ay kumikilos na rin ang binuong 10 man tracker team ng bagong talagang si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Oscar David Albayalde upang tutukan ang drug problem sa Metro Manila.

                                                 Source: www.philstar.com

Post a Comment

 
Top